Senior student/athletes kikilalanin sa UAAP closing ceremonies
MANILA, Philippines — Wala mang kasiguruhan kung mabibigyan pa ng extra playing eligibility ang mga senior student-athletes, tatanggap naman sila ng espesyal na tri-bute kasama ang iba pang manlalaro ng nakanselang sports events sa gagana-ping UAAP Season 82 closing ceremonies sa susunod na buwan.
Ayon ito kay outgoing UAAP president Em Fernandez ng 82nd Season host Ateneo na tiniyak ang pagkakataong ilala-an para sa mga apektadong players ng tuluyang paghinto ng natitirang mga events noong Abril sa gitna ng COVID-19 pandemic.
“We want to highlight the events that were not finished. At the end of the day, these athletes were part of Season 82. Even if they weren’t able to play, they were still a part of Season 82,” ani Fernandez. “So, we want to have an angle that we want to say that these sports or these athletes, they existed. Hindi siya biglang nawala. We don’t want to say na wala sila because they weren’t able to play.”
Ilan lamang sa mga sports na hindi nabigyan ng pagkakataon upang ipakita ang kanilang pinaghandaan sa training sa nakalipas na taon ay ang volleyball, football, baseball, softball, athletics, lawn tennis at 3x3 basketball.
Halos kakasimula pa lamang ng pinakaaabangang volleyball at football action noong Marso at Abril nang magdesisyon ang UAAP na hindi na ito ituloy dahil sa COVID-19.
Wala pang pinal na petsa subalit kinukonsidera ng UAAP na sa katapusan ng Hulyo na ganapin ang closing ceremonies.
Virtual at pre-taped ito sa tulong ng ABS-CBN na tatagal ng dalawang oras.
Sa naturang sere-monya rin ipapasa ng Ateneo ang Season 83 hosting rights sa De La Salle University.
Igagawad din sa University of Santo Tomas ng ikaapat na sunod nitong overall championship sa parehong seniors at juniors division.
- Latest