Frontliner din pala si Gonzaga
MANILA, Philippines — Hindi lamang atleta si Philippine national women’s volleyball team opposite hitter Jovelyn Gonzaga, maituturing din siyang frontliner ngayong pandemya.
Bilang kasapi ng Philippine Army reserves, buong tapang ngayong nagsisisilbi sa bayan ang Cignal HD spikers ace player para makatulong sa laban kontra COVID-19.
Sa Instagram, litrato niya na naka-full-gear ng personal protection equipment (PPE) ang shinare ni Bionic Ilongga sa kanyang pagsabak sa giyera.
“I am more than an athlete.. #servingthepeoplesecuringtheland,” caption ni Gonzaga na may ranggong corporal sa Army.
May 3,474 likes na ang post na ito.
- Latest