^

PM Sports

Okay kay Rep. Bautista ang pagkansela ng MPBL 2020-21 season

Pang-masa

MANILA, Philippines — Para kay Rep. Claudine Diana Bautista, team owner ng Davao Occidental Tigers, mas importante ang kalusugan ng kanyang buong team.

Okay lang sa kanya na nawala ang tsansa sa division at national titles sa nahintong Chooks-to-Go MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Lakan Season finals dahil walang nalagay sa alanganin ang buhay dulot ng COVID-19 pandemic.

“The safety and health of our players, the team, their families are our priority,” sabi ni Bautista ng Dumper PTDA party-list. “The championship trophy is not worth the lives (of people).”

Kaya sang-ayon si Bautista, anak ni Davao Occidental Gov. Claude Bautista,  sa desisyon ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes katuwang si Sen. Manny Pacquiao, MPBL Founder at CEO, na kanselahin ang 2020-2021 season na magsisimula sana sa June 12.

Ang division finals sa pagitan ng Tigers at Basilan Steel sa South at San Juan Knights laban sa Makati Super Crunch sa North ay  parehong tabla sa 1-1  nang mag-lockdown.

vuukle comment

MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with