Happy si PJ Simon
MANILA, Philippines — All smiles si PBA veteran at Magnolia Hotshots shooting guard Peter June ‘PJ’ Simon matapos i-announce ang isang malaking twist sa kanyang buhay.
Kasabay ng 40th birthday celebration niya noong Hunyo 1, in-announce ni Simon ang pagbubuntis ng kanyang beauty queen na misis na si Jehza Huelar.
“For this child I prayed and the Lord has granted the desires of my HEART! 1 Samuel 1:27. Happy Birthday To Me!,” caption ni Simon.
Ikinasal ang eight-time PBA champion at 2018 Binibining Pilipinas Supranational titlist noong Mayo 2019 sa Tagaytay City.
Bumuhos ang pagbati sa mag-asawa mula sa ilang players ng PBA at mga tagahanga sa magandang balitang ito at sa ngayon ay may 9k likes ang post.
- Latest