Players, teams tutulong sa arena staff
MIAMI — Dahil sa suspensyon sa NBA season ng isang buwan dahil sa pagkalat ng coronavirus ay nakatengga ngayon ang suweldo ng mga arena staffs ng mga koponan.
Ilang players at koponan ang nangakong tutulungan ang kani-kanilang mga arena staff.
Sinabi ni No. 1 overall pick Zion Williamson ng New Orleans Pelicans na siya ang bahala sa suweldo ng mga manggagawa sa kanilang arena sa loob ng 30 araw.
Nangako naman si Blake Griffin ng Detroit Pistons ng tulong na $100,000 para sa kanilang mga arena staff.
Sinabi naman ni Dallas Mavericks owner Mark Cuban sa kanilang arena staff na “we will pay them as if the games happened.”
Ito rin ang gagawin ng Cleveland Cavaliers, Miami Heat, Toronto Raptors, Washington Wizards, Golden State Warriors at Atlanta Hawks sa kanilang mga arena staff.
- Latest