^

PM Sports

Mercado maaaring maglaro sa Alab

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Posibleng ma­ging san­­data si Sol Mercado ng Alab Pi­lipinas sa 2019-2020 ASEAN Bas­ket­ball League.

Ito ay matapos siyang sumali sa pagsasanay ng Philippine contingent habang wala pang kasiguru­han ang kanyang stint sa Philippine Basketball Association.

Bagama’t inamin naman ni Mercado na ina­lok na siya ng roster spot sa Alab ay wala pa siyang pi­nal na desisyon dahil ba­hagi lamang ito ng kan­yang pagpapanati­ling kundisyon sakaling magkaroon ng bagong oportu­nidad.

Ang isang oportunidad na tinutukoy ni Mercado ay ang PBA return niya na nadiskaril matapos hin­di maplantsa ang kontrata sa Phoenix.

Nalipat si Mercado mu­la sa NorthPort sa ka­sagsagan ng offseason patungo sa Phoenix kapalit nina LA Revilla at Rey Guevarra.

Ngayon ay patuloy ang kanyang trai­ning sa San Miguel-backed franchise sa ilalim ni head coach Jimmy Alapag na malapit niyang kaibigan.

Nasa Alab din ang long-time teammate niya sa Barangay Ginebra na si import Justin Brownlee.

Nananatiling bukas ang options ng beteranong guwardiya kung ba­balik sa PBA o lalaro mu­na para sa Alab sa na­titirang bahagi ng 2020 Season.

Bukas magsisimula ang 2020 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Co­­liseum.

vuukle comment

MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with