^

PM Sports

Athlete of the Year award igagawad sa Team Philippines

Pang-masa
Athlete of the Year award igagawad sa Team Philippines
Ang Team Philippines sa pagbibigay ng cash incentives ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang noong Disyembre 18.

MANILA, Philippines — Inaasahang mapupu­no ng mga bituin ang Cen­tennial Hall ng Mani­la Hotel ngayong gabi.

Pormal na igagawad sa Team Philippines, nag­ha­ri sa 30th Southeast Asian Games, ng Philippine Sports­writers Asso­cia­tion (PSA) ang Athlete of the Year trophy.

Ang delegasyon ay pi­namunuan ni­na world champion at double gold winner Carlos Yulo, wo­men’s world boxing queen Nesthy Petecio at 2016 Olym­pics silver me­da­list Hidilyn Diaz.

Ang Team Philippine ang mangunguna sa lista­han ng mga sports stars at personalities na parara­nga­lan sa SMC-PSA Annual Awards Night.

Humakot ang host country ng kabuuang 149 golds, 117 silvers at 121 bronzes para angkinin ang overall title ng biennial meet noong nakalipas na taon.

Tatanggapin ng Team Philippines ang Athlete of the Year trophy sa two-hour program na suportado rin ng Philippine Basketball Association, Air­Asia at Rain or Shine.

Bibigyan naman ng ci­tations ang lahat ng gold medal winners na ba­hagi ng halos 200 awar­dees na bumubuo sa 2019 honor roll list.

Sasamahan nina Phi­lippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez, Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bam­bol’ Tolentino, In­ternational Olympic Com­­mittee (IOC) representative Mikee Co­­juangco Jaworski at De­pu­ty House Speaker at NorthPort team ow­ner Mi­kee Romero ang pi­­nakamatandang media or­ganization sa pamumu­no ng presidente nitong si Tito S. Talao, ang sports editor ng Manila Bulletin, sa pagkilala sa mga at­letang nagbigay ng ka­ra­ngalan sa bansa sa na­ka­­raang taon.

Ang 65-anyos na si bil­liards legend Efren ‘Ba­ta’ Reyes, bahagi ng Filipino delegation sa 2019 SEA Games, ang ma­­giging special guest speaker sa gala night na ini­hahandog ng PSC, Mi­lo at Cignal TV. 

Ibibigay sa le­gendary pool icon ang Lifetime Achievement Award ng sportswriting fraternity.

Inimbitahan din sa annual event si House Spea­ker Alan Peter Cayetano, ang chairman of the Phi­lippine SEA Games Or­ga­­­nizing Committe.

Ibibigay kay Yu­lo, na­kuha ang tiket sa Tok­yo Olympics matapos ma­ging unang Filipino at male gymnast mula sa Southeast Asia na nanalo ng gold medal sa World Ar­tistic Gymnastics, ang PSA President’s Award.

ATHLETE OF THE YEAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with