Curry magbabalik sa aksyon
SAN FRANCISCO — Pinayagan na si Stephen Curry na maglaro matapos ang apat na buwan bunga ng kanyang nabaling kaliwang kamay.
Nakatakda siyang sumabak sa aksyon sa pagsagupa ng Golden State Warriors kontra sa Toronto Raptors ngayon.
Inihayag kahapon ng Warriors na isasama ang pangalan ni Curry sa lineup sa rematch ng nakaraang NBA Finals na naipanalo ng Raptors sa anim na lalro.
Hindi nakita ang two-time NBA MVP sa 58 games matapos ang kanyang left hand injury noong Oktubre 30 laban sa Phoenix Suns.
Noong Lunes ay nakipag-ensayo si Curry sa kanilang G-League team na Santa Cruz Warriors para paghandaan ang kanyang pagbabalik at tulungan ang Golden State.
- Latest