^

PM Sports

Petecio, pasuit may tsansa sa olympics

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umabante sa quarterfi­nals sina Nesthy Petecio at Riza Pasuit para makalapit sa inaasam na tiket sa 2020 Tokyo Olympics sa ginaganap na 2020 Asian-Oceanian Continental Olympic Quali­fying Tournament kaha­pon sa Amman, Jordan.

Walang sinayang na sandali si Petecio nang kub­rahin ang matikas na 5-0 unanimous decision win laban kay Krismi Lan­kapurayalage ng Sri Lan­ka para umabante sa quarterfinals ng wo­men’s featherweight class.

“Sobrang focused ako dito. Baka ito na ang last chance ko to be an Olympian. Kailangang ser­yo­sohin la­hat ng laban,” ani Petecio, ang gold me­da­list sa AIBA Women’s World Championships.

Sasagupain ni Petecio sa quarterfinals sa Linggo si Japanese Sena Irie na umiskor ng 5-0 win kontra kay Amy Andrew ng New Zea­land.

Sa kabilang banda ay nag-aalab din si Pasuit nang itakas ang 3-2 split decision win laban kay Hamamoto Saya ng Japan sa women’s lightweight category.

Mapapalaban nang hus­to si Pasuit sa quarter­fi­nals dahil haharapin ni­ya si third seed Wu Shih-Yi ng Chinese-Tai­pei na nabiyayaan ng first-round bye.

Isang panalo na lamang ang kailangang ma­­kuha ni­na Pete­cio at Pa­suit upang makasikwat ng tiket sa 2020 Olympic Games na idaraos sa Tok­yo, Japan sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9.

Nakatakda namang su­malang sina AIBA Men’s World Cham­pionships silver medalist Eu­mir Felix Mar­cial at James Palicte sa kani-ka­nilang dibisyon.

Lalarga si Marcila la­ban kay Australian Kir­ra Ruston sa men’s mid­dle­weight at aarangkada si Palicte kontra kay Elnur Abduraimov ng Uzbekis­tan sa men’s light welterweight class.

 

PETECIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with