^

PM Sports

Bucks lusot sa Wizards sa overtime

Pang-masa

WASHINGTON -- Inis­kor ni forward Khris Middleton ang huling si­yam na puntos ng Milwaukee Bucks para taka­san si Bradley Beal at ang Wizards, 137-134, sa overtime.

Kumolekta si Giannis Antetokounmpo ng 22 points at 14 rebounds ba­go na-foul out sa huling 1:33 minuto sa regulation period.

Tumapos si Middleton na may 40 points tam­pok ang three-pointer sa huling 30.2 segundo pa­ra ibigay sa Bucks ang 135-132 bentahe.

Matapos ang dalawang free throws ni Beal para sa Washinghton ay nakahugot naman ng foul si Middleton sa nalala­bing 7.8 segundo para ila­yo ang Milwaukee sa 137-134.

Hindi naman naipasok ni Troy Brown, Jr. ang kanyang tangkang 3-pointer sa huling poses­yon ng Wizards.

Humataw si Beal ng 55 point points, ang 22 rito ay ginawa niya sa fourth quarter at pito sa overtime, sa panig ng Wa­shington, nakahugot kay Shabazz Napier ngseason-high na 27 points.

Sa Los Angeles, ku­ma­mada si Kawhi Leo­nard ng 25 points at may 22 markers si Montrezl Harrell para igiya ang Clippers sa 124-97 panalo kontra sa Memphis Grizzlies.

Winakasan ng Los Angeles ang kanilang three-game losing skid.

Pinamunuan ni Ja Morant ang Memphis mula sa kanyang 16 points ka­su­nod ang 14 markers ni Josh Jackson.

Sa Houston, nagta­la si James Harden ng 37 points para ihatid ang Rockets sa 123-112 ta­gumpay laban sa New York Knicks.

Ito ang ikaapat na su­­nod na arangkada ng Houston.

Tumipa si Harden ng 31 markers sa halftime pa­ra ibigay sa Houston ang 72-57 abante laban sa New York.

Nalasap ng New York ang kanilang ikaapat na dikit na kamalasan.

Sa Salt Lake City, nagposte si guard Ricky Rubio ng 22 points, 11 assists at 7 steals para pamunuan ang Phoenix Suns sa 131-111 paggupo sa Utah Jazz.

Naglista si Devin Boo­ker ng 24 points at 10 assists para sa Suns, ha­bang may 16 markers si Deandre Ayton.

Pinangunahan ni Do­no­van Mitchell ang Jazz mula sa kanyang 38 points kasunod ang 16 markers ni Bojan Bogdanovic.

Sa Dallas, tumipa si Tim Hardaway Jr. ng 23 points at may 20 markers si Luka Doncic para banderahan ang Mavericks sa 139-123 paglampaso sa Minnesota Timberwolves.

Nagtala si D’Angelo Russell ng 29 points sa pa­nig ng Timberwolves ka­sunod ang 21 markers ni Malik Beasley.

Sa Cleveland, nagsalpak si rookie swingman Ke­vin Porter Jr. ng season-high na 30 points para sa 125-119 pagdaig ng Ca­valiers sa Miami Heat.

KHRIS MIDDLETON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with