^

PM Sports

Pasaol nagbida sa Team Pacquiao

Pang-masa

MANILA, Philippines — Agaw-eksena ang top two 3x3 players sa bansa sa 2020 Chooks-to-Go/MPBL Lakan 3x3 Celebrity Game.

Pumukaw ng pansin si Alvin Pasaol at ang Team Pacquiao na humugot ng 21-15 (5:23) panalo kontra sa Team Kobe kahapon sa SM Mall of Asia Arena  saPasay City.

Tumapos si Pasaol ng 8 puntos para sa Team Pacquiao tulad ni Joshua Munzon para sa Team Paras  ngunit tinapos ni Thirdy Ravena ang kuwento nang pagbidahan nito ang 7-1 run tungo sa tagumpay.

Tumapos din si Ravena ng 8-puntos.

“Sobrang sarap to play 3x3 game again,” sabi ni Ravena, who is part of the 5-on-5 national team pool. “I haven’t played this game for a long time.”

Nagdagdag si Troy Rike ng limang puntos para sa Team Pacquiao na may premyong PHP 100,000.

Hindi nakalaro sina Senator Manny Pacquiao at Kobe Paras na parehong nagrerekober pa sa injuries.

Sa North vs South 3x3 race-to-21 contest, nagbida sa huling bahagi ng laro si Paulo Hubalde upang ihatid ang  North sa 21-19 win.

Baon sa 17-19 ang North nang pumukol ang Valenzuela Classic star ng back-to-back baskets tungo sa panalo.

MPBL LAKAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with