^

PM Sports

Tokyo Olympics posibleng kanselahin

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kung lulubha ang sitwasyon sa pagkalat ng 2019-nCoV virus sa iba’t ibang bansa ay maaaring mag-isip ang International Olympic Committee na kanselahin ang pagdaraos ng 2020 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo.

Sinabi ni Philippine Sports Commissioner Ramon Fernandez na nag-aalala na ang IOC hinggil sa pagdaraos ng quadrennial event na nakatakda sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9.

“We have this virus play out in the coming weeks and months because even the IOC is a bit worried. July na iyan (Olympics). Lumaki na talaga ito (banta ng coronavirus),” wika ni Fernandez.

Wala pang opisyal na pahayag ang IOC kung kakanselahin ang pagdaraos ng 2020 Olympics sa Tokyo sa Hulyo.

Dalawa pa lamang ang atleta ng Pilipinas na nakatiyak ng tiket para sa 2020 Tokyo Olympics at ito ay sina world gymnastics champion Carlos Edriel Yulo at pole vaulter Ernest John Obiena.

Ilan pang Pinoy athletes ang magtatangkang makakuha ng silya sa 2020 Tokyo Games sa paglahok sa mga itinakdang Olympic qualifying tournaments.

“Iyong mga trips ngayon ng mga NSAs (National Sports Association) as far as my oversight (committee) is concerned ay mayroong mga qualifying na pupuntahan sila,” wika ni Fernandez. “We just play it by ear. Kung walang mangyaring masama sa mga athletes, tuloy but if not we just have to cancel everything.”

Sinasabing nagsimula ang pagkalat ng coronavirus sa Wuhan, China na ngayon ay nakaabot na sa 23 pang bansa, kabilang ang Japan na siyang host ng 2020 Olympics.

Noong 2003 ay nagkaroon ng ‘severe acute respiratory syndrome’ sa China na nagtulak sa Women’s World Cup organizers na ilipat ang 4th Women’s World Cup sa United States.

“Countermeasures against infectious diseases constitute an important part of our plans to host a safe and secure games,” pahayag ng Tokyo Olympic Committee.

2020 OLYMPIC GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with