^

PM Sports

‘Di pa rin matanggap ng asawa ni Kobe Bryant

Pang-masa
�Di pa rin matanggap ng asawa ni Kobe Bryant
Vanessa Bryant

LOS ANGELES – Pagluluksa at galit ang nararamdaman ni Vanessa Bryant dahil sa pagpanaw ng kanyang asawang si NBA star Kobe Bryant at 13-anyos nilang anak na si Gianna sa isang helicopter crash noong nakaraang buwan.

Ito ang inilagay ng 37-anyos na si Vanessa sa kanyang Instagram account.

“My brain refuses to accept that both Kobe and Gigi are gone,” ani Vanessa sa kanyang mag-ama. “I can’t process both at the same time. It’s like I’m trying to process Kobe being gone but my body refuses to accept my Gigi will never come back to me.”

Sinabi ni Vanessa na nagalit siya sa pagkamatay ng 41-anyos na si Bryant at ng kanilang anak na si Gianna at kinailangang ipaalala sa kanyang sarili na maging matatag para sa tatlo pa nilang anak na babae.

Isang memorial service ang inilatag ni Vanessa para kina Bryant at Gianna.

“God I wish they were here and this nightmare would be over,” ani Vanessa. “Praying for all of the victims of this horrible tragedy. Please continue to pray for all.”

Ikinabigla ng buong mundo ang pagkamatay ng 18-time All-Star ng National Basketball Association at isa sa ‘most admired sports figures’.

Papunta sana ang retiradong Los Angeles Lakers forward at anak na si Gianna sa isang youth basketball tournament kung saan siya tumatayong coach ng kanyang anak.

Sinabi ng mga federal investigators na hindi pa nila nadedetermina ang dahilan ng nasabing helicopter crash sa Calabasas, California sa labas ng Los Angeles.

Ayon sa mga imbestigador, walang nakitang engine failure.

vuukle comment

VANESSA BRYANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with