Perpetual asam ang playoffs
MANILA, Philippines — Ikaanim na panalo at makalusot sa playoffs ang susubukang kunin ng University of Perpetual Help Lady Altas sa pagbangga sa Emilio Aguinaldo College Lady Generals sa NCAA season 95 wo-men’s volleyball nga-yon sa The Arena sa San Juan City.
Maglalaban ang da-lawang koponan bandang alas-12 ng tanghali na susundan ng tapatan ng Jose Rizal University Lady Bombers at Letran Lady Knights sa alas-2 ng hapon.
Napurnada ang sana’y six-game winning streak ng Lady Altas nang patahimikin sila ng San Beda Lady Red Spikers sa huli nilang paghaharap noong Biyernes, 20-25, 19-25, 16-25.
Wala ni-isa sa hanay ng U-Perps ang nakapagrehistro ng double-figures sa tapatang ito at ang 7 points ni Jhona Rosal ang pinakamataas na naiposte kaya’t inaasahan na muling aariba ang Las Piñas based-squad para makabawi.
Sasandal ulit si coach Macky Carino sa kanyang core sa pa-ngunguna ni Rosal kasama sina Blanca Tripoli, Jenny Gaviola, Dana Persa, Shyra Umandal, Hannah Suico at Alyssa Sanggalang.
Samantala, bagama’t laglag na sa torneo, pipilitin pa rin ng Lady Generals na masundan ang kanilang tagumpay.
Natuldukan ng EAC ang kanilang 16-game losing skid sa torneo, mula noong season 94, nang alpasan nila ang San Sebastian Lady Stags sa five-set thriller noong Huwebes, 21-25, 25-23, 22-25, 25-18, 15-8.
Bumida si Catherine Almazan matapos mag-rehistro ng career-high na 30 points kasama ang 12 digs at apat na receptions, kaya’t isa ito sa aasahang magmamando sa grupo katuwang sina Krizzia Reyes, Dhariane Gallardez, Jamaica Villena, Hyacinth Castillo at Anne Formento.
Tuloy din ang men’s match ngayong araw na sisimulan ng Perpetual at EAC bandang alas-10 ng umaga habang sa alas-3:30 ng hapon naman ang sa JRU at Letran.
- Latest