^

PM Sports

Memorial service para kay Kobe Bryant

Pang-masa

LOS ANGELES — Inihayag ni Vanessa Bryant ang plano sa pagdaraos ng isang ‘public celebration of life’ para sa pumanaw na asawang si Kobe Bryant at anak na si Gianna sa isang Instagram post kahapon.

“#2, #24 #20 years as a Laker,” ang sulat ni Vanes­sa sa kanyang post na nagkukumpirma sa memorial service na gagawin sa Staples Center arena sa Lunes.

Ginamit ni Gianna ang No. 2 jersey sa kanyang pag­lalaro para sa school basketball team, habang No. 24 naman ang isinuot ni Kobe sa dulo ng kanyang ico­nic 20-year career para sa Lakers.

Ang 41-anyos na si Kobe at ang 13-anyos na si Gianna ang dalawa sa siyam na namatay sa isang helicopter crash noong Enero 26.

Ang nasabing memorial service ay nasa gitna ng dalawang home games ng Lakers habang haharapin naman ng Clippers ang Memphis Grizzlies sa nasabing arena.

Sinabi naman ni Lee Zeidman, ang presidente ng Staples Center, sa panayam ng Los Angeles Times na wa­lang ma­gi­ging problema sa paghahanda sa court para sa nasabing mga laro.

“Staples Center has hosted over 220 doublehea­ders in its 20-year history,” wika ni Zeidman. “While this is going to be a very emotional day for the Bryant family, the Los Angeles Lakers, the city of Los Angeles, as well as for the men and women who work at Staples Center, we are very confident we will be ready for 6 p.m. doors opening for the Clippers-Memphis game following the ceremony.”

Nauna nang nagdaos ang Lakers ng isang emotio­nal tribute para kay Bryant sa una nilang laro laban sa bisitang Portland Trail Blazers matapos ang pagkamatay ng kanilang club legend.

MEMORIAL SERVICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with