^

PM Sports

NCAA Juniors events suspended indefinitely

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpasya ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) na isailalim sa indifinite suspension ang lahat ng juniors event ng liga dahil sa banta ng 2019 Novel-Coronavirus Acute Respiratory Disease (N-CoV ARD).

Sa inilabas na memo ng NCAA Managemet Committee, inilahad nito na napagdesisyunan nila, kasama ang Policy Board Members ng mga kasaling eskuwelahan na suspendihin ang junior events simula noong Biyernes, Pebrero 7 dahil sa takot na dala ng 2019 N-CoV ARD.

“Please be informed that after consultation with their respective policy board members, College of St. Benilde, Lyceum of the Philippines University, Emilio Aguinaldo College, Mapua University, Perpetual Help, Letran and San Sebastian moved for the indefinite postponement of all junior events effective Feb. 7,” pahayag ng ManComm.

Dahil sa suspensyon ay naapektuhan ang natitira pang mga laro na nakalista na sa kalendaryo ng liga gaya ng boys at girls volleyball at football, beach volleyball, kiddies basketball at track and field events.

Hindi rin nabanggit kung hanggang kailan tatagal ang pagpapaliban ng nasabing event pero kung hindi pa huhupa ang N-CoV scare sa bansa at maaring hindi na ito ipagpatuloy pa.

Samantala, wala namang pagbabagong magaganap sa seniors event at dire-diretso pa rin ang mga game schedules.

Sinuspendi rin ng Philippine Sports Commission (PSC) ang National Summit ngayong buwan sa Maynila maging ang Philippine Paralympic Committee (PPC) ay nais iurong ang hosting ng 10th ASEAN Para Games mula Marso hanggang  Mayo o Hunyo.

 

NCAA JUNIORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with