Capela nasangkot sa 4-team, 12-player trade
HOUSTON – Hinugot ng Rockets si veteran Robert Covington mula sa Minnesota Timberwolves at ibinigay si starting center Clint Capela sa Atlanta Hawks bilang bahagi ng isang four-team, 12-player deal, ayon sa league sources.
Nakamit ng Minnesota ang dalawang first-round picks, kasama ang 2020 pick ng Houston.
Dinala ito ng Timberwolves sa Denver Nuggets para makuha sina guard Malik Beasley at forward Juan Hernangomez.
Napasakamay din ng Minnesota ang ‘best available first-round pick’ sa trade deadline marketplace.
Ito ay ang 2020 first-round pick ng Atlanta mula naman sa Brooklyn Nets.
Samantala, nakuha ng Nuggets ang 2020 first-round pick ng Rockets na inaasahang ite-trade nila sa hangaring mapalakas ang kampanya sa Western Conference.
Bukod kay Covington, nabingwit din ng Houston si veteran guard Jordan Bell mula sa Timberwolves.
Nakuha naman ng Atlanta si Houston center Nene maliban kay Capela.
Nasa kampo ngayon ng Minnesota sina Beasley, Hernangomez, Malik Beasley (mula sa Denver), Jarred Vanderbilt (mula sa Denver) at Evan Turner (mula sa Atlanta).
Nasambot naman ng Denver sa nasabing trade sina guard Gerald Green (mula sa Houston), Noah Vonleh (mula sa Minnesota), Shabazz Napier (mula sa Minnesota), Keita Bates-Diop (mula sa Minnesota) at isang first-round pick (mula sa Houston).
- Latest