Olympic slot target ni Tsukii via 4-judo tourneys
MANILA, Philippines — Apat na malalaking torneo pa ang lalahukan ni Southeast Asian Games champion na si Junna Tsukii para mapalakas ang tsansa nitong magkwa-lipika sa 2020 Olympic Games sa Tokyo, Japan.
Pinaghahandaan ni Tsukii ang prestihiyosong Premier League Olympic qualifying tournament sa Dubai, United Arab Emirates na nakatakda sa Pebrero 14 hanggang 16.
Susundan ito ng tatlo pang qualifying events sa Austria sa Pebrero 28 hanggang Marso 1, sa Morroco sa Marso 13 hanggang 15 at sa Spain sa Abril 17 hanggang19.
“Everybody has a chance to win and qualify for the Olympics not only me as long as you want it but you have to take it seriously. It requires a lot of hard work than others,” pahayag ni Tsukii.
Kasalukuyan itong nasa ikatlong puwesto sa Asya at ika-11 posis-yon sa world ranking ng women’s kumite below 50 kg.
Kailangan ni Tsukii na maging No. 1 sa Asya o kaya naman ay No. 4 sa world ranking para awtomatikong makapasok sa Tokyo Olympics.
Sakaling hindi nito maabot ang puwesto, may huling pagkakataon pa para magku-walipika si Tsukii.
Ito ay sa pamamagitan ng Olympic qualifying event – ang Tokyo 2020 qualification tournament sa Mayo 8 hanggang 10 na idaraos naman sa Pa-ris, France.
Subalit mas magiging mahirap ang Paris tournament dahil mixed category na ang labanan kung saan pasok ang mga may timbang na 50 kgs hanggang 55 kgs.
“But the final round in Paris is likely to be more than nine games, because players co-ming from all countries. It will also be a mixed event and it’s going to be tough competing against heavier opponents,” ani Tsukii. na aminadong a hindi birong makapasok sa Olympics.
Ngunit handa itong ibuhos ang lahat para makalikom ng puntos at makamit ang minimit-hing Olympic Games appearance.
- Latest