NHA Builders swak sa semifinals ng UNTV Cup
MANILA, Philippines — Muling nakapasok ang National Housing Authority sa semifinal round matapos kunin ang 77-74 panalo laban sa Philippine International Trading Corporation sa 8th UNTV Cup sa Paco Arena sa Manila.
Nagpaputok si Antonio Lustestica ng 18 points bukod pa ang 3 rebounds at 1 steal para sa NHA Builders ni coach Benneth Palad.
Ang panalo ng NHA sa annual tournament para sa mga public servants ang tumiyak sa kanila sa pag-upo sa No. 3 anuman ang resulta ng kanilang huling laro sa quarterfinals laban sa Department of Agriculture Food Masters sa Linggo.
Makakasagupa ng Builders sa semis ang No. 2 Department of Environment and Natural Resources Warriors.
Madedetermina naman ang kukuha sa ikaapat at huling semis seat kung saan malakas ang tsansa ng Food Masters matapos ang 71-68 paggupo sa two-time champions na Judiciary Magis.
Tumipa si Sherwin Silva ng 23 markers para isabit ang Agriculture sa three-way tie para sa second hanggang fourth places kasama ang PITC at Judiciary.
Nakapasok sa semis ang AFP at DENR sa torneong inorganisa ni UNTV President at CEO Dr. Daniel Razon.
- Latest