Giannis humataw sa paris
PARIS — Humakot si Giannis Antetokounmpo ng 30 points at 12 rebounds para pamunuan ang NBA-leading Milwaukee Bucks sa 116-103 pagbugbog sa Charlotte Hornets sa unang NBA regular-season game sa France.
Lalo pang pinaganda ng Milwaukee ang kanilang record sa 40-6 para sa kanilang pang-walong sunod na ratsada.
May best 46-game start ang Bucks sa kanilang franchise history kung saan nagtala sila ng 39-7 karta noong 1970-71 para makopo ang NBA championship.
“The focus and the purpose of this team has been very good,” wika ni Milwaukee coach Mike Budenholzer. “We feel like there’s a lot of work to be done, a lot of things to improve.”
Nagdagdag si guard Eric Bledsoe ng 20 points at 5 assists para sa Bucks na tuluyang nakawala sa Hornets sa second half matapos ang matamlay na first half.
Sa New Orleans, humakot si Nikola Jokic ng 27 points at 12 rebounds para tulungan ang Denver Nuggets na talunin ang Pelicans, 113-106.
Umiskor si rookie Zion Williamson ng 15 points para sa New Orleans, may 0-2 record sapul nang gawin ng top overall draft ang kanyang season debut noong Miyerkules.
Sa Minneapolis, nagpasabog si Russell Westbrook ng season-high 45 points bukod pa sa 10 assists para banderahan ang Houston Rockets sa 131-124 paggupo sa Minnesota Timberwolves.
Tumapos naman si James Harden na may season-low 12 markers sa kanyang 0-for-6 shooting sa 3-point range para sa Rockets.
Sa Miami, inilista ni Kawhi Leonard ang una niyang career triple-double at nagtala si Landry Shamet ng 22 points para sa 122-117 pagdaig ng Los Angeles Clippers laban sa Heat.
- Latest