Pang-4 triple double ni Antetokounmpo
MILWAUKEE – Napasama si Giannis Antetokounmpo sa isang elite group na lalo pang gumulat kay coach Mike Budenholzer.
Nagsumite si Anteto-kounmpo ng triple-double at inilista ang kanyang 10,000th career point sa 111-98 paggupo ng Bucks sa Chicago Bulls.
Tumapos si Antetokounmpo na may 28 points, 14 rebounds at 10 assists para sa kanyang ikaapat na triple-double ngayong season.
“Yeah, he’s special,” sabi ni Budenholzer sa kanyang 25-anyos na star forward. “So young, so gifted, does so many things on the court. Triple-double tonight -- like I said, they do a lot of things aggressive defensively, you gotta trust the pass, you gotta make some shots.”
Naitala niya ang kanyang ika-10,000 puntos matapos isalpak ang isang jump hook sa huling 4:30 minuto sa fourth period.
“So he’s phenomenal to get to 10,000, but I love the way he plays with his teammates and shares it and takes what the game gives him,” dagdag pa nito.
Winalis din ng Milwaukee ang kanilang four-game season series ng Chicago.
Nagdagdag si Khris Middleton ng 24 points para sa ika-10 sunod na panalo ng Bucks laban sa Bulls simula noong 2017-18 season.
Sa Boston, kumamada si Jayson Tatum ng 27 points para akayin ang Celtics sa 139-107 pagdurog sa Los Angeles Lakers ni LeBron James.
Ito ang pinakamalaking kabiguan ng Lakers, ang top team sa Western Conference, ngayong season.
Nagdagdag sina Kemba Walker at Jaylen Brown ng tig-20 points at humakot si Enes Kanter ng 18 points at 11 rebounds para tapusin ng Boston ang kanilang three-game losing skid.
Pinamunuan ni James ang Longeles mula sa kanyang 15 points at 13 assists.
Sa Salt Lake City, umiskor si Donovan Mitchell ng 25 points at naglista si Rudy Gobert ng 20 points at 14 rebounds para ihatid ang Utah Jazz sa 118-88 pagdaig sa Indiana Pacers.
- Latest