Suspensyon ipinataw sa dalawang kabayo at isang trainer
MANILA, Philippines — Dalawang kabayo at isang trainer ang napatawan ng parusa sa nakaraang karera na idinaos sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas.
Una sa listahan ay ang Stolen Moment na sumalang sa Race 3 ng Three-Year-Old & Above Maiden Race na sinakyan ni jockey CS Pare.
Pinatawan ng pitong araw na suspensyon ang Stolen Moment dahil hindi ito naipasok sa aparato sa loob ng dalawang minuto.
“Stolen Moment refused to be loaded for Two (2) minutes, suspended indefinitely but not less than seven (7) days with one (1) barriel Trial, penalized under PR65-A,” nakasaad sa inilabas na statement ng Philippine Racing Commission mula sa Board of Stewards (BoS).
Namilay naman ang Doshermanos Island na tumakbo sa Condition Race Category 19 kaya binigyan din ito ng suspensyon sa ilalim ng PR 66 Lame & Injured Horses.
May multang P500.00 ang trainer ng Pamilican Island na si AC Sagun dahil sa hindi kaagad nito naabisuhan ang kanyang hinete hinggil sa pagsakay nito sa kabayo.
“Failing to inform and obtain the jockey’s consent to ride his horse before declaration to participate in a race, fine five hundred pesos, penalized under PR75 x.” nakasaad sa parusa ng BoS kay AC Sagun.
Marami pang nabigyan ng suspensyon sa mga nakaraang karera at hinihintay na lamang na ilabas ng BoS para maipaalam ng Philracom sa bayang karerista.
- Latest