^

PM Sports

Denver sumosyo sa liderato

Pang-masa
Denver sumosyo sa liderato

DENVER – May nerbiyos ang Nuggets kapag humaharap sa mga koponang may mababang record kumpara sa kanila.

Nagtala si rookie reserve Michael Porter Jr. ng 19 points para tulungan ang Denver sa 100-86 paggiba sa Charlotte Hornets, may 15-29 kartada.

“We’re not looking at records,” sabi ni Nuggets head coach Michael Malone sa kanilang pagsagupa sa Hornets. “We have to go out and play our game.”

Hindi natapos ni Jamal Murray ang laro makaraang magkaroon ng left ankle injury sa huling 1:32 minuto sa second quarter.

Sinalo naman ni P.J. Dozier ang naiwang trabaho ni Murray at umiskor ng 12 points sa loob ng 13 minuto para sa Denver na sumosyo sa liderato sa Northeast Division sa taglay na 28-12  record sa Utah.

Pinamunuan naman ni Terry Rozier ang Charlotte, walang naipanalo sa kanilang four-game road trip, sa kanyang naitalang 20 points.

Sa Houston, humataw si Damian Lillard ng 25 points kasunod ang 24 markers ni CJ McCollum para akayin ang Portland Trail Blazers sa 117-107 pagpapatumba sa Rockets.

Tumapos si Russell Westbrook na may triple-double sa kanyang 31 points, 12 assists at 11 rebounds para sa Houston.

Nalimitahan naman si James Harden sa season-low na 13 points para sa ikalawang dikit na kabiguan ng Rockets.

Sa Oklahoma City, naglista si Norman Po-well ng 23 points at nalampasan ng Toronto Raptors ang pagbangon ng Thunder sa final canto para ilusot ang 130-121 tagumpay.

MICHAEL PORTER JR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with