Ceres-Negros abante sa 2nd Round
MANILA, Philippines — Umabante ang PFL champion Ceres-Negros sa second round ng AFC Champions League preliminary round matapos ungusan ang Shan United ng Myanmar, 3-2, sa Rizal Memorial Stadium.
Nagsilbing bayani si national team player OJ Porteria na kumonekta ng mahalagang goal at isang assist para itakda ang pagharap ng Busmen sa Port FC ng Thailand sa second round na idaraos sa Bangkok.
“We only had four or five training sessions so we were really tired but we just stuck in there and got the win,” wika ni Porteria. “We’re not fit that’s why we wanted to keep the ball. We just showed the heart to survive the game.”
Inihanda ni Porteria si Bienve Marañon para sa ikalawang goal bago ipasok ang kanyang marginal strike sa 79th minute.
Lumuwag ang depensa ng Ceres na sinamantala ni Senegalese striker Robert Lopez Mendy para sa 1-0 bentahe ng Shan United sa fifth minute mula sa cutback ni Pika Minegishi. Naipasok naman ng Busmen ang ikalawa nilang goal mula kay Marañon bago ang halftime.
- Latest