^

PM Sports

NCAA volleyball action magbabalik sa Huwebes

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa ikalawang sunod na araw, muling ipinagpaliban ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) ang scheduled volleyball matches kahapon kasabay ng pagkakansela ng klase sa ilang apektadong lungsod sa Metro Manila at Calabarzon dahil sa ashfall mula sa pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Sa inilabas na anunsyo ni NCAA season 95 volleyball event chairman Hercules Callanta, nagpasya ang pamunuan ng liga na suspendihin muli ang laro dahil na  rin sa pagkansela ng mga klase sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

“Due to the recommendation of the NDRRMC to suspend classes and work in affected areas of the NCR, Calabarzon, and Region 3, and the suspension of classes in Taytay and Paranaque, the 95th Season NCAA Volleyball Games scheduled for tomorrow is cancelled,” pahayag ni Callanta.

“Games will resume on Thursday, January 16 as scheduled. Thank you.”

Anim na volleyball games sa elimination round ng torneo ang muling naapektuhan sa nasabing kanselasyon ng mga laban ng San Beda at Luceum sa juniors, men’s at women’s division.

Inaasahang ilalabas ng Management Committee (ManComm) sa mga susunod na araw ang bagong playing date ng mga kanselado ng laro.

NATIONAL COLLEGIATE ATHLETIC ASSOCIATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with