^

PM Sports

Rondina pinabulaanan ang paglipat sa Foton

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
Rondina pinabulaanan ang paglipat sa Foton

MANILA, Philippines — Itinanggi ni Sisi Rondina ang mga umuugong na balita patungkol aniya sa kanyang paglipat ng club team mula Petron Blaze Spikers  patungo sa Foton Tornadoes para sa da­­rating na 2020 season ng Philippine Superliga.

Unang pumutok ang balita sa hindi pagtalon ni Rondina sa Foton nang ilan sa mga manlalaro ng multi-titled team na Petron ang nag-alisan sa pangunguna ng batikang setter na si Rhea Dimaculangan kasama sina  Car­me­la Tunay, Chloe Cortez at Denden Lazaro.

Maglalaro si Dima­cu­langan, ang 2018 All-Filipino Conference MVP  pa­ra sa Generika-Ayala Life­­savers, habang mag-oober da bakod naman sa Premier Volleyball League (PVL) sina Tunay at Cortez sa ilalim ng Motolite at si Lazaro sa Choco Mucho.

Tinuldukan na ni Rondinaa ang UAAP Sea­son 81 MVP at 30th Southeast Asian Games bronze medalist ang is­yung ito nang diretsa­han niyang sinagot sa Twitter ang ta­nong ng isang netizen patungkol dito.

Isang matipid na ‘Nope’ ang ibinigay ni Ron­dina sa tanong ng isang Twitter page na #La­banPilipinas (@ustvolleyball) na: “Legit bang lilipit si @Rondina011 sa Foton?”

Matatandaan na no­ong 2016 ay naglaro na rin sa ilalim ng Foton Tor­nadoes si Rondina nang nagsisimula pa lang ang karera niya sa semi-pro league kasama sina Di­ma­culangan, Jaja Santiago, Angeli Araneta at Patty Orendain.

Kasabay ng pagka­wala ng ilang manlala­ro ay sinibak rin ng Blaze Spikers si Shaq delos Santos bilang head coach kapalit ang vete­ran mentor na si Emil Lontoc bilang bahagi ng ka­nilang revamping para sa nanalapit na pagdedepensa sa Grand Prix crown sa Pebrero.

Ang 70-anyos na si Lontoc ang isa sa mga as­sistant coach ng Phi­lip­pine women’s natio­nal volleyball team na na­ka­pagbulsa ng gintong me­dalya noong 1993 Singapore SEA Games at 33 taong hinawakan ang UST Tigers sa UAAP.

 

 

RONDINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with