^

PM Sports

Aguinaldo umaasang mapipili ng Incheon United sa K League

Pang-masa

MANILA, Philippines — Kumpiyansa si Philippine international defen­der Amani Aguinaldo na makakakuha siya ng kon­trata sa South Korean club Incheon United para makapaglaro sa K League outfit.

Isa si Aguinaldo sa mga Philippine Azkals na nagpakita ng husay sa ka­nilang pagsabak sa nakaraang 30th Southeast Asian Games.

Nabigo ang Azkals na makasipa ng tiket para sa semifinal round ng men’s football competition ng na­sabing biennial event.

Bukod kay Aguinal­do, isa din si team captain Stephan Schrock sa mga overage players ng Azkals.

Kumonekta si Agui­nal­do ng isang hattrick la­ban sa Timor-Leste sa final matchday ng group stages, ngunit nabigong maungusan ang Cambo­dia sa goal difference pa­ra sa runners-up spot sa Group A at makakuha ng knockout berth.

Ipinahiram ang 24-anyos na Pinoy defen­der sa Malaysia Super League side PKNP FC no­ong nakalipas na season mula sa kanyang pa­rent club na Ceres-Negros FC.

Lalahok siya sa open tryout sa Incheon.

“I want to do my best to prove myself that I am good enough in Korea Re­public which has the best league in Asia,” wika ni Aguinaldo sa kanyang pagsabak sa nasabing tryout.

AMANI AGUINALDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with