^

PM Sports

Magtulungan para sa Olympic gold-- Romero

Pang-masa
Magtulungan para sa Olympic gold-- Romero

MANILA, Philippines — Matapos ang pagbibigay ng suporta ni Presidente Rodrigo Duterte sa mga atleta ay nanawagan kahapon si Deputy Speaker Mikee Romero (1Pacman Partylist) sa lahat ng mga national sports associations (NSAs) at major stakeholders kasama ang mga kapwa niya miyembro ng House representatives na magtulung-tulong para makamit ang Olympic gold.

“Let us support President Duterte’s wish of quenching the country’s thirst for an Olympic gold,” ani Romero.

Si Philippine Olympic Committee (POC) chief at Tagaytay City Rep. Abraham “Bambol” Tolentino ang mangunguna para sa pag-angkin sa kauna-unahang Olympic gold medal ng bansa.

Sina gymnast Carlos Yulo at pole vaulter EJ Obie-na ang dalawang nakakuha na ng tiket para sa 2020 Olympics sa Tokyo, Japan, habang inaasahan namang susunod sina skateboarder Margielyn Didal at boxers Nesthy Petecio at Eumir Felix Marcial.

Sa awarding ng cash incentives sa mga national athletes kamakalawa sa Malacañang ay sinabi ni Duterte na pangarap niyang makamit ng bansa ang Olympic gold.

Maaari itong mangyari kung itataas ang monthly allowances ng mga national athletes at pondong gagamitin para sa mga darating na Olympic Games.

Tumatanggap ang mga elite athletes ng P45,000 monthly allowance.

Naniniwala si Romero na posibleng makuha ng bansa ang ginto sa Olympics.

“With President stepping in, I do believe winning an Olympic gold now is no longer impossible,” ani Romero matapos ang mataumpay na kampanya ng bansa sa nakaraang 30th SEA Games kung saan humakot ang mga Filipino athletes ng 149 golds, 117 silvers at 121 bronzes para sa overall championship. “Our success in the SEA Games which Cong. Bambol masterminded by staging 529 events in 56 sports was a proof that we can win big if we work as one,” dagdag pa ni Romero.

Nagbigay din ang POC ng dagdag na cash incentives sa lahat ng mga Filipino medalists ng 2019 SEA Games.

vuukle comment

ROMERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with