^

PM Sports

Arnis kailangang maisama uli sa 2021 Vietnam SEAG

Chris Co - Pang-masa
Arnis kailangang maisama uli sa 2021 Vietnam SEAG

MANILA, Philippines — Makislap ang kampanya ng national arnis team na tunay na naasahan ng Team Philippines sa pagkopo ng overall championship crown sa katatapos na 2019 Southeast Asian Games.

Itinanghal na winningest national sports association ang arnis matapos humakot ng 14 gintong medalya.

Ngunit posibleng matanggalan ng gold mine ang Pilipinas dahil wala pang kasiguraduhan na masasama ang arnis sa 2021 edisyon ng SEA Games sa Hanoi, Vietnam.

Kaya naman ngayon pa lang, plano na ng Philippine Eskrima Kali Arnis Federation (PEKAF) na simulan na ang pagsuyo sa Vietnam para isama ang arnis sa kalendaryo sa 2021 biennial meet.

Sa katunayan, magtutungo sa Vietnam si PEKAF president Miguel Zubiri para personal na kausapin ang mga opis-yales na mapabilang ang arnis sa kalendaryo.

Kailangan itanghal ang arnis ng tatlong beses sa tatlong sunud-sunod na edisyon ng SEA Games para pormal na itong maging regular event.

Sa ngayon, nais muna ng PEKAF na namnamin ang tagumpay na nakamit nito sa SEA Games.

Naka-gold sa livestick sina Dexler Bolambao (bantamweight), Nino Mark Talledo (featherweight), Villardo Cunamay (lightweight) at Mike Banares (welterweight) sa men’s class, at Jezebel Morcillo (bantamweight) sa women’s side.

Sa paddle stick, ginto rin sina Jesper Huquire (bantamweight), Elmer Manlapas (featherweight) at Carloyd Tejada (welterweight) sa men’s division at sina Sheena Del Monte (bantamweight), Jedah Mae Soriano (fea-therweight), Ross Ashley Monville (lightweight) at Abegail Abad (welterweight) sa kababaihan.

Sa anyo, nakaginto sina Mary Allin Aldeguer (women’s non-traditional open weapon) at Crisa-muel Delfin (men’s non-traditional open weapon).

Maliban sa ginto, may apat na pilak at dalawang tanso rin ang Pinoy arnisador.

PHILIPPINE ESKRIMA KALI ARNIS FEDERATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with