Harden bumida para sa rockets; Davis at James nagpanalo sa Lakers
ORLANDO, Florida -- Nagpaputok si James Harden ng 54 points na tinampukan ng 10-of-15 shooting sa three-point line para pamunuan ang Houston Rockets sa 130-107 pagdurog sa Magic.
Ito ang pang-limang pagkakataon na umiskor si Harden ng 50 o higit pang produksyon ngayong season at ikaapat sa huling pitong laro ng Rockets.
“I just want to win,” sabi ni Harden sa kanyang nasabing ratsada. “Whatever it takes.”
Nagdagdag naman si Russell Westbrook ng 23 points para sa Houston na nagsalpak ng kabuuang 22-of-39 clip sa 3-point range.
Kumawala ang Rockets sa second quarter kung saan humataw si Harden ng 18 points para sa kanilang 59-49 abante sa Magic.
Pinamunuan naman ni Evan Fournier ang Orlando mula sa kanyang 27 points.
Sa Miami, humataw si star forward Anthony Davis ng 33 points at may 28 markers si LeBron James para akayin ang Los Angeles Lakers sa 113-110 pagpapatumba sa Heat.
Tumapos si James na may 12 assists at 9 rebounds at nagsumite si Davis ng 10 rebounds para sa 23-3 kartada ng Lakers.
Ito ang unang home loss ng Miami ngayong season matapos ang 11-0 start.
Binanderahan ni Jimmy Butler ang Heat mula sa kanyang 23 points habang may 17, 16, 15 at 12 markers sina Derrick Jones Jr., Kendrick Nunn, Kelly Olynyk at Bam Adebayo, ayon sa pagkakasunod.
Sa Minnesota, nagpasabog si Paul George ng 46 points habang may 421 markers si Kawhi Leonard para ihatid ang Los Angeles Clippers sa 124-117 panalo laban sa Minnesota Timberwolves.
Ito ang ikaapat na sunod na ratsada ng Clippers.
Ang nasabing produksyon nina George at Leonard ang pinakamalaking scoring output ng isang tambalan ngayong season.
Humakot naman si Karl-Anthony Towns ng 39 points at 12 rebounds sa panig ng Minnesota, nalasap ang pang-pitong sunod na kabiguan.
Sa Atlanta, tumipa si Malcolm Brogdon ng 19 points at 12 assists at nagdagdag si Domantas Sabonis ng 12 points at 14 rebounds para tulungan ang Indiana Pacers sa 110-100 paggiba sa Hawks.
Nagdagdag naman si guard T.J. Warren ng 18 points para sa Pacers, ang limang starters ay tumapos sa double figures.
Sa Memphis, humugot si Giannis Antetokounmpo ng 17 sa kanyang 37 points sa fourth quarter para pangunahan ang Milwaukee Bucks sa 127-114 paggupo sa Grizzlies.
Ito ang ika-17 sunod na arangkada ng Milwaukee, nalampasan ang hinataw na career-high na 43 points ni Jaren Jackson Jr. sa panig ng Memphis.
- Latest