^

PM Sports

42-years bago nakabalik ang Pinas sa SEAG men’s volleyball

Chris Co - Pang-masa
42-years bago nakabalik ang Pinas sa SEAG men’s volleyball

MANILA, Philippines — Gagawa ng kasaysayan ang Pinoy spikers na magtatangkang masungkit ang kauna-unahang gintong medalya sa pagharap nito sa Indonesia sa 2019 Southeast Asian Games men’s volleyball gold-medal match ngayong araw sa Philsports Arena sa Pasig City.

Muling maghaharap ang Pilipinas at Indonesia sa alas-6 ng gabi habang magtutuos naman ang Thailand at Myanmar sa battle-for-bronze match sa alas-3:30 ng hapon.

Nag-uumapaw ang saya sa mukha ng Pinoy spikers matapos hubaran ng korona ang four-time champion Thailand sa semifinals, 17-25, 25-20, 23-25, 27-25, 17-15, upang makabalik sa finals matapos ang apat na dekada.

Huling umabante sa gold-medal match ang Pinoy spikers noon pang 1977 kung saan natalo ang Pilipinas sa Myanmar para magkasya sa pilak na medalya.

“Ito ‘yung chance na lalaban kami sa championship kaya talagang lalaban kami. Pusong Pinoy. Nakaka-proud lang dahil ilang beses na silang champion (Thailand) tapos tinalo namin,” wika ni national team top hitter Bryan Bagunas.

Maliban kay Bagunas, sasandalan ng tropa si five-time UAAP MVP Marck Jesus Espejo, veteran hitter Ranran Abdilla, middle blockers Kim Ma-labunga at Francis Saura, at playmaker Joshua Retamar.

Nais ng Pilipinas na makaresbak sa Indonesia na bukod-tanging tumalo sa Pinoy spikers sa eliminasyon sa iskor na 23-25, 30-32, 20-25.

Sa women’s division, bigo ang Pinay spikers na makapasok sa podium matapos lumasap ng 25-20, 24-26, 25-15, 20-25, 16-14 kabiguan sa Indonesia sa battle-for-bronze match.

SEAG GAMES

VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with