Produksyon ng Athletics
CAPAS, Tarlac, Philippines — Inaasahang aabot sa 12 ang gintong medalya ang maitatakbo ng Philippine national team sa athletics competition ng 30th Southeast Asian Games dito sa New Clark City Stadium.
Tatlong bagong SEA Games records ang nauna nang ipinoste nina Fil-American sprinter Kristina Knott, Pinoy pole vaulter Ernest John Obiena at Fil-Am Natalie Rise Uy sa kani-kanilang events.
Unang inilista ni Knott ang bagong marka sa women’s 200-meter dash nang magsumite ng tiyempong 23.01 segundo para sirain ang 23.30 ni Supavadee Khawpeag na naitayo ng Thai bet noong 2001 SEA Games sa Kuala Lumpur.
Ito rin ang bagong national record ni Knott na bumura sa 23.32 ni Zion Corrales Nelson sa U.S. NCAA kamakailan na nagbasura naman sa 1986 mark na 23.35 ni athletics great Lydia De Vega.
Lumundag naman ang 23-anyos na si Obiena ng bagong SEA Games record na 5.45m sa men’s pole vault para burahin ang 5.35m ni Porranot Purahong ng Thailand noong 2017. Ito rin ang ginawa ng 25-anyos na si Uy nang magtala ng bagong SEA Games mark na 4.25m para angkinin ang gold medal sa women’s pole vault.
Ibinasura ng Fil-Am ang six-year mark na 4.21m na inilista ni Sukanya Chomchuedee ng Thailand noong 2013 SEA Games sa Myanmar.
Bukod kina Knott, Obiena at Uy, ang iba pang kumuha ng gintong medalya sa kanilang mga events ay sina Christine Hallasgo (women’s ma-rathon), William Morrison III (men’s shot put), Sarah Dequinan (women’s heptathlon) at ang mixed 4x100m relay team nina Knott, Eric Cray, Eloiza Luzon at Anfernee Lopena para.
- Latest