^

PM Sports

Adams, Go top pick ng Columbian

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
Adams, Go top pick ng Columbian

MANILA, Philippines — Gaya ng inaasahan ng lahat, si Ateneo stalwart Isaac Go ang tinanghal na overall draft pick matapos tapikin ng number one pick team na Columbian Dyip sa 2019 PBA Rookie Draft kahapon sa Robinson’s Place Manila activity center sa Ermita.

Naungusan ni Go ang 70 pang rookie aspirants na nagpasa ng kanilang aplikasyon para subukan ang kanilang kapalaran sa pro-league, matapos unang tawagin sa ‘Special Gilas Draft’.

Ang 23-anyos na si Go ang ikalimang Atenista na nakadagit ng number one pick sa rookie draft ng PBA, na unang nagawas nina Alex Araneta noong 1991; Rich Alvarez noong 2004; Nonoy Baclao noong 2010; at si Gilas member Greg Slaughter noong 2013.

“It’s an incredible feeling, never in my wildest dream that I’ll be in this position. I’m just grateful and I’m just really excited as well,” sab ni Go.

Bagama’t nasa top pick si Go, ay hindi pa magsisimula ang karera nito sa PBA dahil ipapahiram muna siya sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) bilang bahagi ng Gilas pool para sa kanilang pagha-handa sa 2023 FIBA World Cup.

Sumunod na tinawag sa nasabing special draft si Rey Suerte na napunta sa Blackwater, pangatlo si Matt Nieto ng NLEX na sinundan ni Allyn Bulanadi sa Alaska Aces at kinumpleto naman ni Mike Nieto ang draft para sa Rain or Shine.

Si Filipino-American gunner Roosevelt Adams naman ang number one pick sa regular draft at napunta ito sa Columbian Dyip, sinundan naman ni Maurice Shaw sa Blackwater Elite at sa NLEX Road Warriors naman napunta si Mike Ayonayon habang nasa Alaska Aces si Barkley Ebona at Rain or Shine Elasto Painters si Adrian Wong.

Kukumpleto naman sa first round ng regular draft sina Clint Doliguez at Prince Rivero (Rain or Shine), Sean Manganti (NorthPort), Aris Dionisio (Alaska), Arvin Tolentino (Ginebra), Kib Montalbo (Talk N Text), at Christian Ba-lagasay (Columbian).

ADAMS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with