^

PM Sports

Ancajas haharap kay Gonzalez

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasado na ang game plan ni reigning International Boxing Federation (IBF) super flyweight champion Jerwin Ancajas sa pagdepensa ng kaniyang titulo kontra kay Miguel Gonzalez ng Chile ngayong araw sa Auditorio GNP Seguros sa Puebla, Mexico.

Gigil nang sumalang si Ancajas matapos makansela ang kaniyang laban kay Mexican Jonathan Javier Rod­riguez noong Nobyembre 2 dahil sa problema sa visa.

Puspusan ang ginawang pagh­a­handa ni Ancajas sa Amerika kasama si chief trainer Joven Jimenez bago tumulak sa Mexico para sa laban.

“Tuloy lang ako sa training after mapostpone yung fight namin ni Rodriguez kaya kundisyon na kundisyon ako,” ani Ancajas.

Ang bakbakan nina Ancajas at Gonzalez ay undercard sa main event nina World Boxing Organization super bantamweight champion Emanuel Navarrete at Francisco Horta.

Alam na ni Ancajas ang mga ilalatag nitong estratehiya laban kay Gonzalez.

Kabisado na ni Ancajas ang estilo ng Chilean pug dahil makailang ulit itong pinanood ang laban ni Gonzalez.

Armado si Gonzalez ng 31-1-2 baraha kasama ang walong knockouts.

Galing si Gonzalez sa technical knockout win kay Himson Garcia noong Oktubre 12 para makuha ang World Boxing Association (WBA) fedelatin super flyweight title.

ANCAJAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with