AFP, Malacañang-PSC, DA silat
MANILA, Philippines — Puro upset ang naganap sa 8th UNTV Cup noong linggo nang makalasap ng kabiguan ang defending champion, ang wala pang talong Armed Forces of the Philippines (AFP) at dalawa pang nangunguna sa pagpapatuloy ng aksiyon sa San Juan City gym.
Unang bumagsak ang AFP Cavaliers sa Judiciary Magis, 78-72, sa Group A ng elims ng event na inorganisa ni UNTV president Dr. Daniel Razon para sa mga public servants.
Nag-init sina dating Ginebra player Chester Tolomia at Jearomel sa pagkamada ng 17 at 15 points, ayon sa pagkakasunod para putulin ng Magis ang six-game winning streak ng AFP na nagbunga ng kanilang pagtatabla sa 3-3 kaya naiwan ang Department of Environment and Natural Resources na tanging walang talong team sa 8-team second round sa 6-0 marka.
Bigo rin ang Malacañang-Philippine Sports Commission at Department of Agriculture.
Bumasgsak ang Kamao sa 5-2 ng Group matapos yumukod sa Philippine International Trading Corporation Global Traders, 68-58 habang nalasap ng DA Food Masters ang ikalawang sunod na talo sa National Housing Authority Builders, 74-72.
Ang panalo ay nagsulong sa PITC sa 4-2 habang ang Builders ay nagpalakas sa quarterfinals sa pagsulong sa 4-3 marka katabla ang Food Masters sa Group A.
Ang top two finishers pagkatapos ng second round ng eliminations awtomatikong papasok sa semis habang ang third to sixth placers ay daraan uli sa isa pang round quarters.
- Latest