AFP magpapalakas
MANILA, Philippines — Tangkang palakasin ng defending champion Armed Forces of the Philippines (AFP) ang tsansa sa asam na outright semis berth sa pagharap sa Judiciary sa pagpapatuloy ng 8th UNTV Cup sa San Juan City gym.
Galing sa mahirap na 86-84 panalo kontra sa National Housing Autho-rity sa pagsisimula ng ikalawang round ng eliminations, ang AFP Cavaliers ay pinapaborang manalo sa Magis sa kanilang alas-2:00 ng hapong laban sa event na inorganisa ni UNTV President at CEO Dr. Daniel Razon para sa mga public servants.
Mangunguna sa Ca-valiers sina Jerry Lumongsod at dating Letran star na si Boyet Bautista na umiskor ng 19 at 17 points, ayon sa pagkakasunod sa kanilang hu-ling laro para isulong ang Cavaliers sa 6-0 record.
Hangad ng Builders na makabawi sa pagkatalong ito sa pagharap sa Department of Agriculture Food Masters sa alas-3:30 ng hapon.
Nais bumawi ng Food Masters sa 94-85 pagkatalo sa Department of Environment and Natural Resources Warriors para iangat ang 4-2 kartada.
Hangad namang isulong ng Malacañang-PSC ang 5-1 mark sa pagharap sa PITC Glo-bal Traders sa alas-5:00 ng hapon sa torneong magbibigay ng P4 million sa mapipiling charity ng champion team.
- Latest