Philippine tracksters ibabawi ang Pinas--Juico
MANILA, Philippines — Kumpara sa nakaraang tatlong pamamahala ng Pilipinas sa Southeast Asian Games, ito ang unang pagkakataon na sobrang napahiya ang bansa.
Sa send-off ceremony kahapon ay sinabi ni Philippine Amateur Track and Field Association president Philip Ella Juico na kailangang manalo ng gintong medalya ang mga miyembro ng national track and field team sa 30th SEA Games.
“We have to do something extraordinary because of the tragedy that occurred,” wika ni Juico. “Please if and when you received the gold medal, please sing our national anthem. And sing it loud.”
Inulan ng mga aberya at reklamo mula sa mga foreign delegations ang palpak na pamamahala ng Philippine Southeast Asian Gaames Organizing Committee (Phisgoc) na pinamumunuan ni chairman at House Speaker Alan Peter Cayetano.
Ito ang ikaapat na pagkakataon na pamamahalaan ng bansa ang biennial event matapos noong 1981, 1991 at 2005 kung saan hinirang na overall champion ang mga Pinoy athletes.
‘I know you will do your best. Prepare hard and prepare smart,” sabi ni Juico sa kanyang mga atleta.
Anim hanggang walong gintong medalya ang medal projection ng PATAFA sa 2019 SEA Games.
“It would be very very great if the track and field athletes will be able to sing our national anthem anywhere from six to 12 times,” wika ni Juico, da-ting chairman ng Philippine Sports Commisison.
Sa Day One ng athletics competition sa Disyembre 6 ay tatakbo sina Mary Joy Tabal at Christine Hallasgo sa women’s at sina Jerald Sabala at Anthony Nierza sa men’s marathon.
Nakalatag naman sa Day Two kinabukasan ang mga gold medal sa men’s pole vault at long jump, women’s at men’s 200m, men’s 10,000m run, men’s hammer throw, women’s triple jump at 4x400m mixed relay.
Sa Day Three ay pag-aagawan ang mga ginto sa women’s 10,000m walk, 1,000 run, javelin throw, long jump at pole vault, men’s at women’s 1,500m, women’s at men’s 100m.
Matatapos ang athletics event sa Disyembre 10.
- Latest