^

PM Sports

Araneta tiwala sa Philippine football team

Pang-masa
Araneta tiwala sa Philippine football team

MANILA, Philippines — Tiwala si Philippine Football Federation pre­sident Nonong Araneta sa national football teams na maganda ang ipapakita sa 30th Southeast Asian Games na magsisimula ngayon sa Rizal Memorial Stadium.

Naniniwala si Araneta, nakapaglaro sa SEA Games tournaments mula 1977 hanggang 1983, na ang Young Az­kals at Malditas ay ar­mado ng sapat na pre­pa­rasyon para makapagbigay ng magandang la­ban.

Ang una at tanging medal ng Pinas sa natu­rang sport ay nakamit 34-taon na ang nakakaraan sa Thailand nang makopo ng women’s team ang bronze medal da­hil tatlong bansa lamang ang lumahok.

Maganda ang tsansa ng team ngayong taon at inaasahan ni Araneta ang breakout performances mula sa ilang homegrown standouts.

Mangunguna sa 20-man team si Azkals team captain Stephan Schrock kasama ang anim na senior team na magpapalakas ng kampanya ng koponan.

Ang Ateneo star na si Jarvey Gayoso ay kasama sa team na ki­nabibilangan din nina San Beda standouts Mar Diano, Michael Asong at Jerome Marzan, habang ilan sa mga homegrown stars ay sina Marco Casambre, Pocholo Bugas, Troy Limbo at  Ma­riano Suba.

Binisita ni Araneta ang Young Azkals sa ka­nilang training sa Rizal Memorial Stadium no­ong Sabado at nagbigay ng impromptu pep talk kung saan pinasa­lamatan ang mga pla­yers sa kanilang hirap at pa­god.

“As an athlete, there is no greater honor than representing the country,” sabi ni Araneta na hindi rin binalewala ang mga player na hindi na­pabilang sa pambansang koponan.

“You wear the flag of the Philippines with pride,” dagdag ni Araneta. “I know that you’re prepared and we expect you to give every­thing for the country because you are playing at home. I’m confident you’ll do well. We thank you for your sacrifice.”

ARANETA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with