^

PM Sports

Sikat na DOTA 2 player Ruru darating

Pang-masa

MANILA, Philippines — Darating sa bansa ang kilalang DOTA 2 player na si Pan ‘Ruru’ Jie upang personal na saksihan ang paglulunsad ng pinakamalaking eSports tie-ups ng Pinas at sa Southeast Asian region.

Tinaguriang ‘LGD International Launch Party: A Collab of LGD and Esportsplay Gaming,’ ang event ay gaganapin sa Nov. 26 sa Conrad Hotel.

Libre ang admission sa meet na magsisimula sa ala-una ng hapon.

Ang LGD ang kinokonsiderang pinakamalakas na international DOTA 2 team sa buong mundo at isa sa pinakamatagal nang esports organization sa China na ginawang partner ng E-sportsplay Gaming-- ang bagong Philippine player sa esports para itayo ang LGD International, isang Southeast Asia-based team.

Nagsanib ang dalawang grupo ng para i-train, i-coach, i-manage at i- scout ang top at core players mula sa Philippines at SEA region na sasabak sa ‘The International (T.I.), na kinokonsiderang pinakamalaking DOTA 2 tournament.

Ang Esportsplay Gaming ay pinangungunahan ni Chief Operating Officer Ivan Angelo Cuevas at Chief Operating Officer John Tze, dalawang eSports enthusiasts at entrepreneurs na nakita ang potencial ng bansa sa eSportsfield na isinama sa nalalapit na 2019 SEA Games dito sa Pinas.

Ang Philippines ay may mga star players sa DOTA/DOTA 2 at kinokonsidera ang Pinas na isa sa pinakamaraming DOTA 2 players na sinasamantala ng Esportsplay Gaming katulong ang LGD para mapalaganap ang eSports sa bansa.

Bahagi ng event launching ang pagpili ng LGD ng anim na fans na makalaro ang kanilang star players, kabilang si RuRu, ang kasalukuyang CEO, na nagtatag ng organisasyon noong 2009 para maging world-class Esports organization ngayon.

Ang registration ay ongoing sa https://LGDint.progressiveprosolutions.com at may tsansang maging bahagi ng LGD International team.

RURU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with