Evans, Clark tutulong sa Philippine skateboarders
MANILA, Philippines — Tinapik ng Philippine national skateboarding team ang serbisyo ni 2018 Tame The Taipan champions Josh Evans bilang assistant coach ng downhill skateboarders na sasabak sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games.
Makakatuwang si Evans ni Australian world-class downhill skateboarder Harry Clark na pamunuan ang pagsasanay at paghahanda ng tropa sa inaugural staging ng sports na ito sa regional biennial meet.
Ilang beses na rin nakaharap ni national team member Jaime de Lange si Evans sa ilang international competition at naging malapit din silang magkaibigan kaya’t alam niya ang kakayahan nito.
“He (Evans) is a great friend of mine. He, Harry and I trained together in the off season, he’s one of the best people I’ve know through and through as a person and one of the most outstanding skateboarders in the world,” sabi ni De Lange.
Bagama’t kapwa Australyano ang dalawa, magkaiba aniya ang dalawa pagdating sa techniques at tips na kanilang tinuturo at binibigay sa pambansang koponan pero isang ‘complete package’ pa rin na kayang bumuo ng isang winning athlete.
“Harry and Josh, different people and they know different things and they reacting fully to those things. But together I think they’re not missing anything at all,” dagdag nito. “They’re complete package toge-ther and they’re gonna create a perfect athlete for the SEA Games.”
Nakita rin ni De Lange ang improvement ng Nationals ngayong papalapit na ang SEA Games at handa sila sa kung anumang pagsubok na maaari pa nilang kaharapin.
Bukod kay De Lange, sasabak din sa women’s ca-tegory ng sports na ito si Abegail Veloria na nanguna sa National Qualifying Race kamakailan.
Gaganapin ang nasabing downhill skateboarding event sa Disyembre 4 at 5 sa Seaside, Maragondon, Cavite.
- Latest