^

PM Sports

Bugle Notes kampeon sa Cojuangco Cup

Philstar.com

MANILA, Philippines — Ibinuhos ng Bugle Notes ang lakas nito upang unahan ang mga bigating kalaban kabilang si two-time defending champion at Triple Crown winner Viva Morena para pagha-rian ang prestihiyosong 2019 Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup noong Linggo sa Saddle & Clubs Leisure Park Racetrack sa Naic, Cavite.

Sakay ni jockey Jonathan B. Hernandez, kumilos ang pumapa-ngatlong Bugle Notes sa kalalahatian ng karera para maagaw ang unahan sa Viva Morena at  ‘di na lumingon pa upang manalo ng six-length sa karerang alay sa kareristang San Miguel Corp. Chairman.

Tinapos ng Bugle Notes ang karera sa tiyempong 2:00.4 sa 2,000-meter race sa quartertimes na 24, 23, 24, 24, 24.

“Ginandahan lang po ang alis. Pag-break in, bandera kaagad ako. Ang instruction, ang pinakamasamang puwesto sa ganitong karami na kabayo, pang-apat o panlima. Pero napaganda pa kasi naging pangatlo kaagad. Pagda-ting ng medya milya, ina-alagaan ko na puwesto ko, hinintay ko na rekta. Noong hinila ko, marami pa, punong-puno pa,” sabi ni Hernandez.

Nakopo ang P1.8 million mula sa total guaranteed purse na P3.15 million mula sa sponsor na Philippine Racing Commission ng Bugle Notes at tinapos ang dalawang taong paghahari ng Hitting Spree ng SC Stockfarm.

Runner-up ang Murika na nakakuha ng P675,000 kasunod ang Truly Ponti na may third place prize na P375,000, ang Super Sonic ay tumanggap ng P150,000 bilang fourth habang ang 2017 Triple Crown champion na Sepfourteen ay nagkasya sa P100,000.

Tampok din ang 24th edition ng Metropolitan Association of Race Horse Owners (MARHO) Breeder’s Championships.

Nagningning din ang mga breeders na sina Mariano Tirona (Son Also Rises sa MARHO Sprint), Hermie Rivera (Scarbo-rough Shoal sa MARHO Championship Classic at Iikot Lang sa MARHO-SC Stockfarm Trophy Race), Antonio Tan Jr. (Money in My Pocket sa MARHO Eduardo Calixto Memorial Race at Boss Emong sa MARHO Ciara Marie Abalos Foundation Trophy Race), Antonio Coyco (Lucky Saver sa MARHO Manila Horsepower Organization Race), Leonardo Javier Jr. (Obra Maestra sa MARHO 3YO Colt and Filly Mile) at Vincent Go Bon (I Don’t Mind sa MARHO Siomai House Trophy Race).

Pagkatapos ng Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup ay ang 2nd leg ng 3YO Imported/Local Challenge sa Nov. 24.

Punu ng karera ang December sa pagdaraos ng Philracom ng 3rd leg ng Juvenile Fillies and Colts Stakes Races sa Dec. 1, Grand Sprint Championship sa Dec. 15,  Chairman’s Cup at 3rd leg ng 3YO Imported/Local Challenge Series sa Dec. 29 at Juvenile Championship sa Dec. 31.

vuukle comment

COJUANGCO CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with