^

PM Sports

UAAP Cheerdance competition ngayon

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA,Philippines — Magsasalpukan para sa inaasam na titulo ang wa­long school-based cheering squads sa inaabangan taunang University Athletic Association of the Philip­pines (UAAP) Cheerdance Competition ngayong araw sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

Target ng defending champions na National University Pep Squad na madagit ang back-to-back nitong korona sa cheerdance competition, na kanilang naga­wa noong 2014.

May kabuuang limang titulo ang NU Pep Squad sa loob ng anim na taon, kaya’t umaasa ang Bustillos-based cheerdancers na muli nilang mapapahanga ang mga manonood at mga tatayong hurado sa kanilang ipa­pakitang performance.

Nakumpleto ng Bulldogs ang kanilang pagbaba­lik sa tuktok ng kumpetisyon noong 2018 edition ni­to sa likod ng kanilang “Coco” inspired number, na nag­pa­bagsak sa 2017 champs na Adamson Pep Squad.

Pangwalo sa mga magtatanghal ang reigning cham­pions at para kay NU coach Ghicka Bernabe mas maganda ang nasa huli sila ngayon dahil mahirap aniya kontrolin ang emosyon ng mga bata kung sila ang mauuna.

“Eight is better than one pagdating sa performance. Somehow nung na-experience namin as first perfor­mers before, kahit gaano kami kahanda, I can’t control the emotions of my kids, I can’t control ‘yung scena­rio,” pahayag ni Bernabe.

Unang sasalang ngayong taon ang De La Salle Uni­versity  Animo Squad, University of the East Pep Squad at University of the Philippines Pep Squad - na hu­ling nag-kampeon noong 2012.

Magpapakitang-gilas naman ang Blue Babble Battalion ng Ateneo de Manilla University kasunod ang last year’s runner-up na Far Eastern University Cheering Squad; Adamson University Pep Squad; at pang-pito naman ang University of Santo Tomas Salinggawi Dance Troupe.

UAAP CHEERDANCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with