Kramer pahinga na sa basketbol
MANILA, Philippines — Magreretiro na sa basketball ang beteranong big man na si Doug Kramer.
Hindi muna idinetalye ni Kramer ang dahilan ng kanyang retirement pero nilinaw na wala siyang injury o ibang sakit na nararamdaman.
“I started playing basketball for the love of the game and I’m retiring because I respect the game,” aniya. “I’m leaving knowing I’m still healthy, with no major injuries throughout my career. Basketball is not forever and I never made it to become my only avenue. It’s very temporal. I’m 36 years young and still so much to do.”
Bukod sa natamong mild stroke noong 2016, halos walang naging injury ang dating Ateneo big man sa kanyang 12-year pro-league career na na-ging dahilan ng pagiging epektibo niyang big man sa kahit anong koponan.
Matapos dominahin ang UAAP sa kanyang panahon sa Blue Eagles, napili bilang 5th overall pick si Kramer ng Air21 noong 2007 PBA Rookie Draft at naging bahagi din ng 2008 PBA All-Rookie Team.
Nagkampeon din siya ng isang beses at naging miyembro ng PBA All-Defensive team bukod pa sa paglalaro sa mara-ming koponan tulad ng Ginebra, Rain or Shine, Powerade, Barako Bull, Petron (San Miguel) at GlobalPort.
Noong 2016, nalipat si Kramer sa Phoenix na naging tahanan na niya hanggang sa magretiro.
- Latest