^

PM Sports

PBA pinapurihan si Gokongwei, Jr.

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Binigyang pugay ng PBA ang isa sa kanilang mga founding fathers – John Gokongwei Jr., 93 -- na ma­payapang sumakabilang-buhay noong Linggo ng umaga sa Manila Doctors Hospital.

Kapuri-puri naman talaga ang ambag ni Ginoong Gokongwei sa PBA, at siyempre lalo na sa larangan ng negosyo bilang isa sa mga tinatawag na captains of industry.

Naging matunog ang pangalang Gokongwei sa PBA kasabay ang pamamayagpag ng kanyang kopo­nang Great Taste/Presto/Tivoli noong dekada 80.

Sila ang unang koponang nagkaroon ng sariling matatag na era sa pagtatapos ng Crispa-Toyota era.

Mayroon ngang nagsasabi na sila actually ang tumapos ng rivalry na kumiliti at nagpaindak sa PBA noong dekada 70 hanggang sa mga unang taon ng 80s.

Natapos ang paghahari ng Crispa Redmanizers nang matatag ang bagong powerhouse team na binu­buo nina Bogs Adornado, Ricky Brown, Manny Victorino, Joel Banal, Joy Carpio na lalong tumatag sa pagpasok nila Abe King, Philip Cezar, Arnie Tuad­les, Chito Loyzaga at Willie Pearson.

Nagkaroon sila ng sariling mainit na streak nang manalo ng apat na sunod na kampeonato simula no­ong 1984 All-Filipino II.

Sa pagpasok ni Allan Caidic noong 1987, naka­dalawang kampeonato pa ang Great Taste bago ito na­maalam sa liga at ipinasa ang prangkisa sa Sta. Lu­cia Realty. Sina Vergel Meneses at Bong Hawkins ang dalawa pang future PBA stars na sinimulan ang pro career sa koponan ni Ginoong Gokongwei.

Isa ang Presto sa nagbigay ningning sa PBA sa ka­sagsagan ng liga habang tinatamasa ang magandang bunga ng isang balanseng liga kalaban ang San Miguel Beer, Ginebra, Purefoods, Shell, Alaska, Manila Beer.

JOHN GOKONGWEI JR

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with