^

PM Sports

Red Lions, Knights agawan sa 1-0 lead

Francisco Cagape - Pang-masa
Red Lions, Knights agawan sa 1-0 lead
Jerrick Balanza at Donald Tankoua

MANILA, Philippines — Sisimulan ng top seed at undefeated San Be­da Red Lions at No. 3 seed Letran Knights ang ka­nilang agawan sa titulo sa Game One ng best-of-three championship series ng Season 95 NCAA men’s basketball tournament sa MOA sa Pasay City.

Dahil sa kanilang 18-0 sweep sa double-round eli­mination ay paborito ang Red Lions sa pagta­tagpo nila ng Knights nga­yong alas-4 ng hapon, habang asam naman ng top seed SBU Red Cubs na masungkit ang Game One laban sa second seed Lyceum Junior Pirates sa kanilang titular wars sa juniors’ division sa ala-1.

Hangad ng 22-time champions na Red Lions ang kanilang ikaapat sunod panalo patungo sa pag­lapit sa ‘five-peat’ na na­kamit nila noong 2010 hanggang 2014 sa panahon ni dating head coach Frankie Lim.

Hindi naman baguhan ang Letran sa championship pressure dahil sila ang ikalawang winningest team ng pinakamatandang collegiate league sa bansa sa kanilang 17 titulo na ang huli ay noong 2015 sa paggiya ni dating coach Aldin Ayo.

Kaya tiyak ang down-the-wire battle ng dalawang koponan dahil kapwa hawak ang yaman sa tradisyon at kasaysayan sa liga.

Kahit hindi pa nagwa­wagi ang Letran kontra sa San Beda sa dalawang pagtatagpo sa elimination round ay malakas naman ang tiwala ni coach Bonnie Tan bunga sa kanilang five-game winning streak ba­go ang pagharap sa Red Lions sa Finals.

Kabilang sa pinataob ng Letran ay ang No. 4 seed San Sebastian Stags, 85-80, sa unang round ng stepladder semis at sinundan sa kumbinsidong panalo kontra sa No. 2 seed Ly­ceum Pirates, 92-88, pa­­ra masungkit ang ikalawang Finals berth.

Sinabi ni Tan na kali­mutan na nila ang mga na­­karaang statistics dahil iba na ang labanan sa championship kung sa­an ang koponang mas gutom sa korona ang magwawagi sa dulo ng laban.

Matagal na ring hindi naglalaro ang Red Lions, ang huli nilang laban ay sa Lyceum, 85-62, noong Oktubre 17 kung saan por­mal nilang winalis ang elimination phase kaya naghintay sila ng halos 26 araw bago ang Finals kontra sa Letran.

Sa unang pagtatagpo ay inilampaso ng Red Lions ang Knights, 70-66, noong Agosto 10 at si­nun­dan ng 75-63 panalo sa second round ng elims noong Oktubre 1.

FINALS

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with