^

PM Sports

Parks itatampok ng TNT Katropa sa pagsagupa sa Brgy. Ginebra

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mula sa Blackwater ay isusuot ni No. 2 overall pick Bobby Ray Parks, ang uniporme ng TNT Katropa.

Ipaparada ng Tropang Texters si Parks sa pagsagupa nila sa Gi­nebra Gin Kings nga­yong alas-7 ng gabi matapos ang laro ng Meralco Bolts at Columbian Dyip sa alas-4:30 ng hapon sa 2019 PBA Go­vernor’s Cup sa Smart Araneta Co­liseum.

Nahugot ng TNT Ka­tropa ang 6-foot-4 at 26-anyos na si Parks mula sa Blackwater kapalit nina Don Trollano at Anthony Se­merad at isang 2021 first round draft pick.

Ang anak ni seven-time PBA Best Import Bobby Parks ang inaasahang sasalo sa trabaho ni star guard Jayson Castro (calf injury).

“Ray is a legit two-way player. He is better de­­fensively than he is of­fen­sively,” sabi ni coach Bong Ravena kay Parks na makakatuwang sina im­­­port KJ Mc­Da­niels, RR Po­goy, Troy Rosario at Mike Digregorio, kakam­pi niya sa Elite.

Sina import Justin Brownlee, GFreg Slaughter, Japeth Aguilar, Stanley Pringle, LA Tenorio at Scottie Thompson ang itatapat naman ng Gin Kings.

Kapwa nagmula sa ka­biguan ang TNT Katropa at Ginebra sa huli nilang mga laro.

Yumukod ang Tropang Texters kontra sa NLEX Road Warriors, 113-126, ha­bang nakalasap ang Gin Kings ng 77-101 pagka­talo sa Meralco.

Sa unang laro, target ng Bolts na mailista ang kanilang ikaapat na su­nod na panalo sa pagsa­gupa sa Dyip na nag­mula sa kabiguan.

Sa kanilang pagdurog sa Ginebra ay humakot si PBA Best Import Allen Durham ng 39 points at 12 rebounds para sa Meralco ni one-time PBA Grand Slam champion coach Norman Black.

Ayon kay Durham, na­­katuon na ang kanyang isip laban sa Columbian, nagmula sa 103-118 pagkatalo sa nagdedepensang Magnolia Hotshots.

“We’ve got three more games. We have to fi­nish the eliminations and fi­nish strong going to the quar­terfinals and stuff like that,” sabi ni Durham na mu­­ling makakatulong si­­na 6’8 center Raymond Al­mazan, Allein Maliksi at guards Chris Newsome at Ba­ser Amer.

 

PARKS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with