^

PM Sports

Banchero nag-ensayo sa Magnolia

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sumalang kaagad sa kan­yang unang ensayo para sa Magnolia si Chris Banchero kahapon isang araw matapos aprubahan ng PBA ang pag-trade ng Alaska sa kanya.

Kamakalawa sa sak­tong game day ng Aces kon­tra sa NorthPort Ba­tang Pier ay pinayagan ng PBA ang natu­rang palitan na nagtulak kay Banchero patungo sa Hotshots.

Bagama’t wala si Banchero ay nanalo ang Alaska, 106-99.

Naging kapalit ni Banchero, naglaro ng limang taon sa Aces buhat nang mapili bilang 5th overall pick noong 2014 PBA Rookie Draft, sina Robbie Herndon at Rodney Brondial.

Dalawang ensayo ka­agad ang sinalangan ni Ban­chero sa Ronac Gym sa umaga at hapon upang mapabilis ang pagkatuto ng Hotshots basketball.

Inaasahan ang mala­king tulong ni Banchero sa Magnolia na nasa git­nang bahagi ng 2019 PBA Governors’ Cup ta­ngan ang 4-4 baraha.

CHRIS BANCHERO

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with