^

PM Sports

Letran sasagupa sa San Sebastian sa stepladder semifinal round

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Haharapin ng No. 3 seed Letran ang No. 4 seed San Sebastian sa unang playoff round ng step­­ladder semifinals sa Season 95 NCAA men’s basketball tournament sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Nakatakda ang pagtutuos ng Knights at Stags ngayong alas-4 ng hapon, habang sa junior’s division magtatagpo naman ang No. 1 seed San Beda Red Cubs at CSB-LSGH Greenies sa alas-10 ng uma­­ga kasunod ang laban ng Lyceum Junior Pirates at San Sebastian Staglers sa ala-1 ng hapon.

Nauwi sa steplad­der format ang semifinals ma­ta­pos walisin ng ‘three-peat’ champions na San Be­da Red Lions ang double-round elimi­na­tion para dumiretso sa best-of-three Finals, habang ang Knights at Stags ay maglalaban sa unang playoff at ang magwawagi ay haharap sa No. 2 Lyceum Pirates sa ikalawang playoff round.

Tumapos naman ang Letran sa elims bilang No. 3 seed sa 12-6 kartada at pang-apat ang San Sebastian sa 11-7 marka, habang No. 2 seed ang Ly­ceum na may 13-5 record sa likuran ng Red Lions na hawak ang malinis na 18-0 baraha.

Halos patas lamang ang tsansa ng Knights at Stags dahil 1-1 sila sa dalawang beses na pagta­tagpo sa elimination kung saan nagwagi ang San Se­bastian, 102-101, via overtime noong Agosto 20.

Ngunit bumawi naman ang Letran ni coach Bonnie Tan sa ikalawang paghaharap, 99-82, no­ong Setyembre 20 kaya kapwa nagpahayag ang dalawang koponan ng mala­king tiwala na uma­bot sa ikalawang playoff round kontra sa Lyceum sa Biyernes sa parehong ven­ue.

Inaasahan din ang ma­­­gandang laban dahil may mahigit 17 araw ang Knights at Stags na paghahanda bago ang ka­nilang pagtatagpo sa stepladder semis.

Ang huling laro ng Stags ay laban sa Perpe­tual Help Altas, 99-94, no­ong Oktubre 18, habang ang huling laban ng Knights ay kontra sa Emilio Aguinaldo Gene­rals, 87-79, noong Oktubre 17.  

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with