^

PM Sports

Aprubado na ng PBA ang paglipat ni Parks sa Texters mula sa Elite

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Opisyal nang maglala­ro si Bobby Ray Parks, Jr. para sa TNT Katropa ma­tapos aprubahan kaha­pon ng PBA ang trade sa Blackwater.

Bilang kapalit ay pi­na­kawalan ng Tropang Texters sina Don Trolla­no, Anthony Semerad at dalawang future picks pa­tungo sa Elite, ayon sa transaction na pinayagan na ng PBA Commissio­ner’s Office.

Kinailangang idagdag ng TNT Katropa sa nasabing package si Semerad para maging patas ang pa­litan matapos soplahin ng Blackwater ang una nitong alok na sina Trollano at draft picks sa 2019 at 2021.

Isa si Parks sa pinakamagaling na rookie nga­yong taon buhat nang mapili bilang second overall pick ng Blackwater noong 2018 PBA Rookie Draft.

Sa kampo ng TNT Ka­tropa ay inaasahan ang ma­laking tulong ng anak ni PBA legendary import Bobby Parks lalo’t injured ngayon ang pambato nilang si Jayson Castro.

Makakasama ni Parks sa Tropang Texters sina RR Pogoy at Troy Rosario para sa misyong mapanatili ang puwesto sa tuktok  ng standings tangan ang 7-1 baraha.

Ito na ang ikalawang transaction ng TNT Ka­tro­pa sa season-ending con­ference matapos kunin si Mike Digregorio mula rin sa Blackwater kapalit ni Brian Heruela.

Sa panig naman ng Elite ay ikatlong trade na nila ito sa PBA Governors’ Cup matapos ipalit si­­na Allein Maliksi at Ray­­mar Jose sa Meralco para makuha sina Niño Ca­­naleta, Mike Tolomia at future draft picks.

Nasa ilalim ng stan­dings ang Blackwater sa hawak ang 2-7 bahara at la­labanan ang San Mi­guel sa Miyerkules.

Sasabak naman si Parks bilang TNT Katro­pa sa Biyernes kontra sa Gi­nebra.

PARKS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with