^

PM Sports

Dela Cruz, Piañar kumuha ng gold sa China

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sumuntok ang Pilipinas ng dalawang ginto, isang pilak at dalawang tan­song medalya sa 2019 China-ASEAN Bo­xing Championships na idina­os sa Guangxi, China.

Pinamunuan nina Je­re Samuel dela Cruz at Mar­jon Piañar ang kampanya ng Pinoy boxing team matapos humirit ng gintong medalya sa kani-kanilang weight classes.

Nagpasiklab ang Pa­nabo, Davao del Norte pride na si Piañar nang payukuin si Wei Chao Yi ng host China sa semifinals bago itala ang walkover win kay Dhinesh Kumar ng Singapore sa finals ng Men’s 69 kg. category.

Mainit din si Dela Cruz na pambato ng Murcia, Negros Occidental ma­tapos gulantangin si Li Di Cheng ng China sa championship round via unanimous decision win (5-0) sa men’s 64 kg.

Nakapasok sa finals si Dela Cruz nang gapiin si Vy Sophors ng Cambodia sa semis.

Nakuntento naman Southeast Asian Games ve­teran Irish Magno sa pi­­lak na medalya nang ma­­ta­lo kay Indonesian bet En­dang, 1-4, sa women’s fly­weight division.

Galing naman ang tan­so kina Riza Pasuit at Mario Fernandez matapos ma­talo sa kani-kanilang se­­mis bouts.

Natalo si Pasuit kay Yang Xiao Lan ng China (1-4) sa women’s 60 kg., habang umani naman si Fernandez ng 2-3 split decision loss kay Chen Jian Heng ng China sa men’s 56 kg.

Ang torneo ay baha­gi ng paghahanda nina Mag­no at Fernandez para sa da­rating na 2019 Southeast Asian Games.

 

 

DELA CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with